Nagmahal ka na ba? Abnormal ang isang tao kung 'di siya nagmahal. Ang magulang sa kanyang anak, o ang anak para sa kanyang mga magulang. Isang simpleng ilustrasyon ay ang pag-ibig ng Diyos. Matibay na ebidensiya na tayong lahat ay bunga ng pag-ibig. Bakit? Marami ang nakakarinig ng bersong "sapagkat gayun na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Nya ang Kanyang bugtong na Anak...", pero hindi lahat nauunawaaan ito. Madali ba ang magbigay ng anak? Hindi. Kahit na siya ang tinatawag na "Black sheep" sa pamilya, di niya maibibigay yun basta basta dahil sariling laman at dugo nya iyon. Ang Diyos ibinigay ang kaisa-isang mabuting Anak para sa mga makasalanan.
Ang pagmamahal na ito ay tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE.
Ano ba ang unconditional love?
Ito ay ang pag-ibig na hindi nasasakop ng anumang kondisyon upang ito ay magpatuloy at iyong gawin.
Ang tao ay sadyang madaling umibig. At ang pag-ibig ay nag-uumpisa sa tinatawag na "atraksiyon". Atraksiyon maaaring sa pisikal na anyo o maging kung ano man ang nakikita niya sa isang tao. Kapag nagkainterest na siya, at nagkaroon ng interaksyon, doon lalalim ang nararamdaman at maaaring maging isang pagmamahal.
Maaari mo bang sabihing nagmamahal ka kung nakita mo agad ang isang tao sa unang pagkakataon pa lamang? Sa isang babae, maaari mo ba agad sabihin na "inlove" ka na kase may bahay at kotse siya? Sa lalake, maaari mo bang sabihin na "love at first sight" ka agad kase maputi at sexy siya? Ang tawag dun ay atraksiyon. Hindi love.
Maraming mga bagay ang maaaring makaapekto sa pagmamahal ng isang tao. Ang estado sa buhay, kasarian, kaanyuan at iba pa. Pero tandaan natin, ang tao ay maraming kapintasan. Kung titingnan mo lahat ng kapintasang ito, malamang tayong lahat ay hindi na umibig. Totoo, pwede kang umibig na kasama ang mga bagay na ito, pero hindi ito ang pag-ibig na magtatagal.
Ang pag-ibig ay isang pribilehiyo ng taong nakakatanggap. Ito ay hindi hinihingi. Ito ay kusang ibinibigay sa tamang panahon. Ang I LOVE YOU ay hindi dapat sinasabi dahil "trip mo lang" or "gusto mo lang". Dahil sa bawat 8 letrang ibinigkas mo sa tao ay maaaring maging katumbas ng isang milyong luha.
Hindi ba't ang hirap kapag umiibig ka dahil gwapo o maganda lamang siya? Hindi ba't ang hirap kung umiibig ka dahil mayaman lang siya? Hindi ba't ang hirap kapag umiibig ka dahil matalino at sikat lang siya? Lahat ng bagay sa mundo ay temporal, nagwawakas. Paano kung ang mga bagay na ito ay nawala?
Hindi maaaring maging dakila ang pag-ibig kung may hinihintay kang kapalit. Kung may pamantayan ka ng pagiging gwapo, mayaman, matalino at kung ano ano pa. Ang expectation ay pumapasok dito. At sa bawat expectations, magiging demanding ka. Ito ngayon ay may kaakibat na sakit, lalo kung hindi ito nami-meet.
Hindi ba't mas masarap umibig ng walang tinitingnang kakulangan sa isa't isa? Yung magmahal ng tao na ikaw lang ang maipagmamalaki niya? Hindi ba't mas masarap na kahit tuyo at asin lamang ang ulam niyo ay sabay ninyo aabutin ang inyong mga pangarap habang kayo ay magkasama? Hindi ba't mas masarap na kapag umibig ka walang sumbatan, walang bilangan, walang kwentahan? Hindi ba't mas masarap umibig ng hindi mo pinipilit ang tao na mahalin ka rin ng naaayon sa kung ano na ang naibigay mo? Hindi ba't mas masarap umibig na walang kang hinihintay na anumang kapalit, na minahal mo siya nang hindi ka pinilit, at kung dumating yung oras na ibinalik niya iyon, hindi ba't mas masarap sa pakiramdam?
Hindi ba't mas masarap umibig kahit hindi perpekto ang isang tao pero para sa iyo wala kang makitang kapintasan?
Hindi ba't mas masarap umibig kahit hindi perpekto ang isang tao pero para sa iyo wala kang makitang kapintasan?
Ang uri ng pag-ibig na ito ay ang pinakakahigit at dakila sa lahat. Handang maghintay, magtiyaga, magtiis, magpahalaga, kahit nangangahulugan itong pang habang buhay. Ito ang pag-ibig na kailangan ng lahat, yung walang kondisyon na hinihingi upang ang pagmamahal ay maibahagi.
-xoxo-